‘Misinformation.’
Ito’y ayon kay dating parish pastoral council for responsible voting (PPCRV) Secretary General Bro. Clifford Sorita na nakakaapekto sa mga isinagawang political surveys kaya’t hindi maaaring pagbatayan ito na totoong boses ng taumbayan.
Dagdag pa ni Sorita na ito ang kanyang tingin sa mga lumalabas na survey na nagpapakitang sina Pangulong Rodrigo Duterte at anak nitong si Davao City Mayor Sara Duterte ang nangunguna sa presidential at vice presidential race.
Ani Sorita, dahil sa pamamagitan ng online isinagawa ang survey kaya’t hindi malayo na may mga nakadikit ditong ‘trolls’ dahilan aniya para sabihing hindi ‘authentic at reliable’ ang pagsagot sa naturang survey.
Gayunman, ayon kay UP Political Science Professor Maria Ela Atienza, na bunsod ng divided opposition at resulta ng culture of fear sa adminstrasyon kaya’t tanyag o may high popularity ang mga Duterte.
Tinukoy dito ni Atienza ang Mobile Phone Survey noong Hulyo 2020 na nagsasabing mapanganib na mag-print at mag-broadcast ng anumang kritikal na isyu sa administrasyon.