Idinepensa ng Department of Budget and Management (DBM) ang lumalaking utang ng pamahalaan para tugunan ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ayon kay Budget Secretary Wendell Avisado, normal lamang sa kahit anong bansa ang mangutang lalo pang hindi naman sapat ang kita ng gobyerno para tugunan ang lahat ng pangangailangan ng bansa.
Gayunman, tiniyak ni Avisado na mayroong limitasyon ang pangungutang ng bansa upang mapanatili ang magandang credit rating ng bansa.
Una nang kinumpirma ng Department of Finance (DOF) na nasa mahigit P4-B na ang nauutang ng bansa para lamang sa pagresponde sa COVID-19 pandemic.