Idinepensa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang walang tigil na pangungutang ng gobyerno kasabay ng paglobong outstanding debt ng bansa sa mahigit 12 trillion pesos.
Aminado si Pangulong Duterte na kailangan ng pamahalaan ng malaking halaga ng pera upang pondohan ang mga big ticket project.
Inihalintulad din ng punong ehekutibo ang bansa sa isang bahay at negosyo na kailangan ng expansion upang patuloy na umunlad.
Wala anyang gobyerno sa mundona hindi nangungutang lalo’t kung kulang ang mga buwis upang pondohan ang pangangailangan ng mga mamamayan maging ng mga malalaking proyekto.
Idinagdag pa ni Pangulong Duterte na hindi masamang humiram ng pera lalo’t para naman ito sa kapakanan ng nakararami habang kanyang hinikayat ang mga local government unit na mangutang din.