Patay ang 4 na hinihinalang terorista matapos matunugan ng awtoridad sa Barcelona Spain ang panibago sanang terror attack sa ibang bahagi ng Barcelona Spain.
Napag-alamang plano sana ng mga terorista na maglunsad ng panibagong pag-atake sa Coastal Town ng Cambrils subalit naunahan sila ng mabilis na pagresponde ng mga pulis.
Dahil dito, pinapayuhan ng Spanish Police ang publiko na manatili na lamang muna sa kanilang mga bahay kung hindi naman gaanong importante ang kanilang pupuntahan.
Una nang inatake ng mga terorista ang La Rambla Barcelona Spain kung saan 13 katao ang nasawi at 100 iba pa ang sugatan.
By Len Aguirre