Namataan ng Estados Unidos ang bagong aktibidad ng China sa West Philippine Sea.
Nangangamba ang Estados Unidos na hudyat na ito ng mas malawakang land reclamation ng China sa mga pinag-aagawang isla at teritoryo.
Ayon kay US Naval Operations Admiral John Richardson, nababahala sila sa inaasahang pagbaba ng desisyon ng International Court sa reklamong inihain ng Pilipinas laban sa China.
Ito ay dahil sa maaari itong maging mitsa para ideklara ng China na exclusive zone ang Scarborough Shoal.
Matatandaang 2012 nang sinakop ng China ang bahagi ng Scarborough Shoal.
By Ralph Obina
Photo Credit: Reuters