Ikinababahala ng Malakanyang ang panibagong aktibidad ng China sa pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea.
Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque kasunod ng pag-amin ng China na nagdeploy nsila ng mga long range bomber planes sa isa sa kanilang ginawang artipisyal na isla sa South China Sea.
Ayon kay Roque, posibleng magkaroon ito ng epekto sa patuloy na pagsusumikap ng lahat ng bansa na mapanatili ang kapayapaan at katatagan sa rehiyon.
Gayunman sinabi ni Roque na hindi pa ring maituturing na banta sa seguridad ng bansa nasabing hakbang ng China.