Nakatakda nang i-anunsyo ng palasyo ang panibagong COVID-19 alert level classification ngayong araw.
Alinsunod ito sa rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).
Kasalukuyang nasa ilalim ng alert level 1 ang Metro Manila at 38 iba pang lugar hanggang ngayong araw.
Una nang inilutang ni Health Secretary Francisco Duque III ang posibilidad na i-downgrade sa alert level zero ang ilang bahagi ng bansa dahil sa patuloy na pagbaba ng COVID-19 cases.