Inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility o PAR sa darating na Linggo o Lunes ang bagyong may international name na ‘Maria’.
Sa monitoring ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 2,210 kilometro Silangan ng Visayas.
Taglay nito ang lakas ng hanging nasa 75 kilometro kada oras malapit sa gitna at pabugsong nasa 90 kilometro kada oras.
Samantala, iiral naman ngayong araw ang habagat sa Mindoro, Palawan at Western Visayas kaya’t asahan ang maulap na kalangitan na may pag-ulan, pagkulog at pagkidlat.
Ang nalalabing bahagi naman ng bansa kabilang ang Metro Manila ay makakaranas ng maalinsangang panahon maliban sa mga pag-ulang dulot ng localized thunderstorms.
—-