Inaasahang papasok sa bansa at magiging bagyo ang isang Low Pressure Area o LPA ngayong araw.
Ayon kay Obet Badrina ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA, inaasahang papasok ng Philippine Area of Responsibility o PAR ngayong araw o bukas ang LPA na nasa silangang bahagi ng Mindanao.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometro kada oras at pagbugsong aabot sa 65 kilometro kada oras.
Kumikilos ang bagyo sa direksyong west northwest sa bilis na 15 kph.
Sakaling tuluyang maging bagyo at pumasok sa Pilipinas tatawagin itong “Paolo.”
Samantala, Inter-tropical Convergence Zone o ITCZ ang nakakaapekto at nagdadala ng mga pag-ulan sa Southern Luzon, Visayas, at Mindanao.
—-