Binabantayan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang bagyo na nasa labas ng bansa at inaasahang papasok sa Miyerkules.
Ayon kay Shelly Ignacio, Weather Forecaster ng PAGASA, maliit ang posibilidad na tumama sa lupa ang bagyo na tatawaging Jenny, kapag nasa loob na ng Philippine Area of Responsibility.
Samantala, sinabi ni Ignacio na maaari pa din asahan ang maulap na kalangitan na may mahina hanggang sa katamtamang lakas ng ulan, lalo na sa western Visayas, Caraga, SOCCKSARGEN at Davao Region, dahil sa umiiral na Inter Tropical Convergence Zone.
“Sa ngayon ‘yung posibilidad niya na mag-landfall ay mababa parang inaasahan nating iiwas siya pero depende pa rin po ‘yan sa ating weather systems pero sa ngayon po an gating masisiguro ay hindi muna siya magla-landfall.” Ani Ignacio.
By Katrina Valle