Naging ganap nang bagyo ang namumuong sama ng panahon na lumalapit na sa PAR o Philippine Area of Responsibility.
Gayunman, sinabi ni Philippine Atmospheroc Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) Forecaster Gener Quitlong na maaaring ito na ang pinakamahinang bagyo na papasok sa bansa ngayong taon dahil mayroon lamang itong lakas ng hangin na aabot sa 55 kilometro kada oras.
Sakaling magtutuloy-tuloy ito, bukas ng hapon ay tuluyan nang papasok sa bansa ang bagyong Helen.
Bagama’t wala pang nararamdamang epekto sa bansa ang nasabing bagyo, inaasahang lalapit ito sa lalawigan ng Batanes.
Asahan pa rin ang isolated rainshowers at thunderstorms sa iba’t-ibang panig ng bansa.
By Jelbert Perdez