Nakaambang pumasok sa bansa ang panibagong sama ng panahon sa susunod na linggo.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), hindi pa tiyak kung saan ang eksaktong direksyon at eksaktong araw ng pagpasok sa bansa ng bagyong may international name na Infa.
Gayunman, nasa 60 porsyento na umano ang tiyansa na ito ay papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR).
Huling namataan ang layo ng bagyo sa 3 kilometro silangan ng Mindanao.
Tatawagin itong Mariliyn sa sandaling pumasok sa PAR.
By Len Aguirre