Posibleng pumasok sa Philippine Area of Responsibility ang isang bagyo sa darating na Miyerkules.
Ayon kay Shaira Nonot, PAGASA weather forecaster, binabantayan nila ngayon ang isang namumuong low pressure area sa labas ng PAR sa Silangan ng Northern at Central Luzon.
Sakaling maging tropical depression at pumasok sa PAR, papangalan itong bagyong lando, ang pang 12 bagyo sa Pilipinas ngayong taon.
Ayon pa sa PAGASA, posibleng makaranas nang maulan na panahon ang Luzon sa mga huling araw ng linggong ito.
By: Jonathan Andal