Patuloy pa ring binabantayan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA ang isang bagyo na namataan sa labas ng Philippine Area of Responsibility o PAR sa layong 2,145 kilometro silangan ng Mindanao.
Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 45 kilometro kada oras at pagbugsong aabot sa 60 kilometro kada oras.
Kumikilos ito sa direksyong hilaga – kanluran, sa bilis na 15 kilometro kada oras at inaasahang papasok sa PAR sa Huwebes o Biyernes.
Samantala, kasalukuyang nakakaapekto sa Palawan, Visayas at Mindanao ang ITCZ o Inter Tropical Convergence Zone na magdadala ng mahina hanggang sa katamtamang lakas ng pag-uulan.
Habang asahan naman ang maulap na papawirin na may kasamang mahihinang pag-uulan sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa.
—-