Muling nagpatupad ng panibagong rigodon sa hanay ng Philippine National Police (PNP).
Ito’y sa kabila ng pahayag ni PNP Chief Ge. Camilo Cascolan na walang mangyayaring malawakang balasahan sa kanilang hanay.
Gayunman, dahil sa pagreretiro ng ilang mga senior officials ay kinakailangang punuan ang mga nabakanteng posisyon.
Mula sa pagiging deputy director for comptrollership, itinalaga ni Cascolan si P/Bgen. Ronaldo Olay bilang direktor ng PNP Health Service.
Kapalit naman ni Olay si P/Bgen. Roque Eduardo Vega bilang deputy director for comptrollership habang inilipat muli si P/Bgen. Herminio Tadeo bilang deputy director for information and communication technology management.
Hinirang naman bilang pinuno ng PNP Finance Service si P/Bgen. Rex Dela Rosa habang itinalagang bagong deputy director ng directorate for police community relations si P/Bgen. Daniel Mayoni.
Itinalaga namang acting executive officer si P/Col. Arthur Cabalona habang sa directorate for research and development naman si p/Col. Jose Melencio Nartatez Jr.