Tila tumitindi ang arms race sa Korean Peninsula matapos ilabas ng South Korea ang kanilang bagong homegrown submarine.
Inilarga ng Sokor bagong submarine sa Ulsan City, ilang oras makaraang magpakawala muli ang North Korea ng short range missile na bumagsak sa karagatan.
Ang tatlong toneladang Changbogo-3 (chang-bo-go) missile-sub ay ginawa ng Hyundai heavy industries, na may kakayahang magpakawala ng ballistic missiles at maaaring magkarga ng nuclear warhead.
Samantala, nanindigan naman ang nokor sa kanilang karapatan na magsagawa ng weapons test.
Isinagawa ng North Korea ang missile test, ilang oras bago mag-talumpati ang kanilang kinatawan sa United Nations general assembly, sa U.S. —sa panulat ni Drew Nacino