Isa pang batch ng mga Overseas Filipino Worker o OFW ang nakauwi na mula Kuwait.
Ayon sa Department of Foreign Affairs o DFA, binubuo ang panibagong batch ng labinsyam (19) na Pinoy na pawang undocumented at nagmula sa shelter ng Philippine Embassy.
Tatlumpung (30) Pinoy sana ang uuwi subalit labing-isa (11) ang hinarang sa Immigration para sa karagdagang documentation.
Makatatanggap naman ang mga umuwing OFW ng 5,000 peso financial assistance mula sa gobyerno at libreng ticket pabalik ng kani-kanilang probinsya.
—-