Nakatakdang dumating ngayong araw, Pebrero 4, ang panibagong batch ng Overseas Filipino Workers na mula sa bansang Kuwait.
Sa ibinigay na impormasyon ni Overseas Workers Welfare Administration o OWWA Deputy Administrator Arnell Ignacio, inaasahang anumang oras maari nang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA ang sinasakyang eroplano ng mga OFW.
Pangungunahan ni Ignacio ang pagsalubong sa new batch ng mga naturang OFW.
Matatandaang noong nakaraang Biyernes, aabot sa tatlumpu’t siyam na OFW ang umuwi ng bansa, matapos pagkalooban ng amnesty ng Kuwait government.
Una nang inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Labor department na pansamantalang suspendihin ang new deployment ng OFW sa Kuwait, kasunod ng serye ng misteryosong pagkamatay at pang-aabuso sa mga Pilipino sa Middle East country.