Panibagong batch ng SAF Troopers ang nagbabantay ngayon sa New Bilibid Prison.
Pinangunahan ni PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa ang turn over ceremony kahapon para sa bagong batalyon ng Special Action Force na hahalili sa unang batalyon na nagbantay sa mga high profile inmate sa NBP.
Kasabay nito, hinamon ni Dela Rosa ang bagong batch ng SAF troopers na higitan pa ang dedikasyon sa trabaho at tagumpay ng naunang grupo ng SAF.
Binigyang-diin ni Dela Rosa na layon ng regular na pagpapalit ng SAF troopers sa pagbabantay sa bilibid ay upang maiwasan ang “fraternization” o ang pagiging magkaibigan ng mga bantay at kanilang mga preso dala ng matagal nilang pagsasama.
By: Meann Tanbio