Good news para sa mga motorista!
Asahan na bukas, Martes, ang panibagong tapyas-presyo sa produktong petrolyo.
Ayon sa ilang kumpaniya ng langis, maglalaro sa P1.70 centavos hanggang P1.90 centavos ang bawas-singil sa presyo ng kada litro ng diesel.
Magiging P4.70 centavos hanggang P4.90 centavos naman ang tapyas-presyo sa kada litro ng gasolina.
Ayon kay Department of Energy (DOE)- Oil Industry Management Bureau Dir. Rino Abad, ang dahilan ng rollback sa presyo ng langis ay bunsod ng lockdown sa China; pagtaas ng interes sa US at nang iba pang mga bansa; at banta ng recession o pag-alis ng mga produkto na magdudulot ng pagkasira ng demand sa iba’t-ibang mga bansa.
Sa ngayon ang antas ng year-to-date adjustments nito lamang Hulyo a-12 sa kada litro ng gasolina ay pumalo na sa P24.30 centavos habang P36.80 centavos naman sa kada litro ng diesel.