Inilarga na ng mga kumpanya ng langis ang panibagong bigtime oil price hike sa kanilang mga produkto simula ngayong araw.
Dalawang piso at tatlumpung sentimos (P2.30) ang ipinatupad na taas sa presyo ng kada litro ng diesel, piso at apatnapung sentimos (P1.40) sa kada litro ng gasolina habang dalawang piso (P2.00) naman sa kada litro ng kerosene.
Unang nagpatupad ng taas presyo sa kanilang produktong petrolyo ang Caltex at Eastern Petroleum kaninang alas-12:01 ng hatinggabi.
Habang epektibo naman kanilang alas-6:00 ng umaga ang dagdag presyo ang Shell, Petron, PTT Philippines, Flying V, Unioil, Seaoil, Total, Phoenix Petroleum, Petro Gazz at Jetti.
Ayon sa Department of Energy (DOE), ang panibagong big time oil price hike ay bunsod ng pagsipa ng presyo ng imported na langis sa pandaigdigang merkado.
Samantala, posibleng sumipa pa ang presyo ng mga produktong petrolyo dahil sa pagpapatupad ng ikalawang bugso ng excise tax kung saan inaasahang madadagan pa ng ito ng dalawang piso at dalawampu’t apat na sentimos (P2.24) kada litro.
—-