Asahan na bukas ang malakihang tapyas-presyo sa mga produktong petrolyo.
Sa tantsa ng Unioil, P1.10 hanggang P1.30 ang posibleng rollback sa kada litro ng diesel;
Otsenta’y singko hanggang piso at diyes sentimos sa gasolina habang piso at trenta hanggang piso at kwarenta sentimos sa kerosene o gaas.
Ito na ang magiging ikatlong sunod na linggong magpapatupad ng price rollback ang mga kumpanya ng langis.
Bunsod ito ng paghupa ng presyo sa international market makaraang ilabas ng U.S. at China ang kanilang mga reserbang krudo. —sa panulat ni Drew Nacino