Muling nagpatupad ng bigtime rollback sa presyo ng kanilang mga produkto ang ilang kumpanya ng langis ngayong unang araw ng bagong taon.
Epektibo alas dose kaninang hatinggabi nang ilarga ng Chevron ang P1.30 na bawas presyo sa kad alitro ng gasolina; P1.80 sentimos sa diesel habang P1.90 sa kerosene.
Ilalarga rin ng Petron, total at Flying V ang kahalintulad na rollback mamayang ala sais ng umaga.
Ang price adjustment ay bunsod ng paggalaw ng presyo ng krudo sa international market.