Muling pinutakte ng Avian Influenza o Bird Flu outbreak ang ilang itikan at puguan sa mga lalawigan ng Bulacan, Pampanga, Laguna at Camarines Sur.
Batay ito sa report ng gobyerno ng Pilipinas sa World Organization for Animal Health (OIE).
Naitala ang panibagong outbreaks ng highly pathogenic avian influenza (H5N1) sa walong bagong lugar sa bansa.
Kabilang na rito ang sa Barangay San Roque at Dagat-Dagatan sa San Rafael, Bulacan at Santa Catalina, Minalin at San Lorenzo sa Mexico, Pampanga;
Inihayag ni Bureau of Animal Industry Director Reildrin Morales na unang na-detect ang Bird Flu outbreak noong January 6, sa isang itikan sa Barangay Barangka, Baliuag, Bulacan.
Nag-issue na ang department of Agriculture (DA) ng guidelines sa paglabas at pagpasok ng poultry products sa mga quarantine zone.