Nagbabadya na naman ang bigtime oil price hike sa susunod na linggo.
Ayon sa Department of Energy (DOE), posibleng maglaro sa mahigit piso hanggang tatlong piso ang dagdag presyo sa kada litro ng gasolina, diesel at kerosene.
Inihayag naman ni DOE Undersecretary Gerardo Erguiza na sakaling abutin ng tres pesos ang dagdag-presyo, pag-aaralan nila kung ire-request sa mga kumpanya ng langis na utay-utayin ito.
Ito na ang magiging ika-10 sunod na linggong magpapatupad ng dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo sa gitna ng lumiliit na supply sa international market na pinalala ng hidwaan ng Ukraine at Russia.
Sa datos ng DOE-Oil Industry Management Bureau, ang presyo ng diesel sa bansa ay naglalaro sa 52 hanggang 65 pesos kada litro;
Gasolina, 60 hanggang 83 pesos kada litro at kerosene, 61 hanggang 68 pesos kada litro.