Asahan na posibleng magkaroon ng panibagong bugso ng hanging amihan kung saan, unang maaapektuhan ang ilang lalawigan sa Northern Luzon Area.
Makakaranas ng maulap na may mga pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa bahagi ng Batanes, Cagayan, Babuyan Island, Ilocos Region at ilang bahagi ng Cordillera Administrative Region (CAR).
Magiging maaliwalas naman ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon maliban nalang sa mga pulo-pulong mga pag-ulan na may kasamang pagkulog at pagkidlat sa hapon o sa gabi.
Mainit at maalinsangang panahon naman ang bubungad sa bahagi ng Visayas at Mindanao pero posibleng ulanin sa dakong hapon o gabi ulot parin ng localized thunder storm.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila ay maglalaro sa 23°C hanggang 31°C habang sisikat naman ang haring araw mamayang 6:20 ng umaga at lulubog naman ito mamayang 6:00 ng hapon. —sa panulat ni Angelica Doctolero