Aprubado na ni Syrian President Bashar Al-Assad ang paggamit ng chemical weapons partikular ang chlorin gas laban sa mga natitirang rebelde sa Idlib Province.
Ito’y sa kabila ng banta ni US President Donald Trump na gigiyerahin ang Syria sakaling maglunsad ang Syrian at Russian Forces ng chemical weapons attack na ikamamatay ng libu-libong sibilyan.
Sa kasulukuyan ay binobomba ng mga fighter jet ang mga natitirang balwarte ng mga rebelde habang nag-deploy na rin ang Turkey ng mga sundalo sa Syrian Border upang mapigilan ang pagkalat ng kaguluhan sa kanilang bansa.
Isa punto limang milyong residente ang namemeligrong madamay sa bombahan at bakbakan sa sandaling ilunsad na ang malawakang opensiba anumang araw.
—-