Muling hihirit ng clemency ang Department of Foreign Affairs (DFA) para kay Mary Jane Veloso, ang Overseas Filipino Worker (OFW) na nahaharap sa parusang kamatayan sa Indonesia dahil sa kasong drug trafficking.
Ayon kay DFA Spokesman Charles Jose, muli silang maghahain ng request for clemency sa sandaling makunan na ng testimonya si Veloso hinggil sa tunay na pangyayari.
Una na aniyang nakipagpulong ang mga kinatawan ng DFA at Department of Justice (DOJ) hinggil sa kanilang counterparts sa Indonesia hinggil sa update ng kaso ni Veloso at sa kaso nina Cristina Sergio at Julius Lacanilao, ang mga di umano’y recruiter ni Veloso.
“Ang importante po ngayon ay makuha po ang testimonya ni Mary Jane kaugnay ng kaso at kung sa dulo po after the trial at legal process ay mapatunayan natin na inosente si Mary Jane at biktima lamang siya, so maaaring gamiting grounds po ito para mag-request tayo ng panibagong clemency.” Pahayag ni Jose.
By Len Aguirre | Ratsada Balita