Maaga pa para sabihing nagsisimula nang sumirit ang kaso ng COVID-19.
Ito ayon kay Professor Jomar Rabajante ng UP COVID-19 pandemic response team ay dahil nananatili namang mababa ang bilang ng COVID-19 cases.
Sinabi ni Rabajante na mayruong mga pagkakataong mababa din naman ang reported cases at dapat na maging maingat sa pag interpret ng growth rate.
Sa mga new cases aniya halimbawa, ang average daily attack rate (ADAR) sa NCR ay sadyang mababa kaya kung titingnan, posibleng ma hit ang 7% growth rate subalit kung tutuusin hindi naman malaki ang itinalon ng aktuwal na numero ng COVID-19 cases.
Gayunman, ipinabatid ni Rabajante na posibleng sumirit ang kaso ng COVID-19 sa Hunyo o Hulyo dahil sa bumababang immunity ng populasyon.