Kumpiyansa si OCTA research fellow Father Nicanor Austriaco na maliit na lamang ang tiyansa na magkaroon muli ng COVID-19 surge sa bansa sakaling makapasok ang Omicron variant.
Aniya, mahihirapan ang naturang virus na kumalat sa Metro Manila dahil halos lahat ay bakunado na.
Nabatid na 48.4 percent o mahigit 37.3 milyong indibidwal na ang fully vaccinated laban sa COVID-19 mula sa 77.1 million na target na mabakunahan ng gobyerno.
Sa kasalukuyan, pinag-aaralan pa rin ng health authorities kung gaano ka-epektibo ang proteksyong maibibigay ng kasalukuyang bakuna laban sa bagong variant.—mula sa panulat ni Airiam Sancho