Posible muling maharap ang bansa sa COVID-19 surge pagdating ng Agosto.
Ito ang naging babala ni Department of Health (DOH) Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire kasabay na rin ng tiyansa ng local transmission ng Omicron subvariant BA.5.
Ayon kay Vergeire, malaki ang posibilidad na mangyari ito dahil sa mabagal na inoculation rate o pagbabakuna sa bansa bunsod na rin ng pagbaba ng immunity ng mga bakunadong indibidwal mula sa nasabing sakit.
Paliwanag ni Vergeire, 15% pa lamang ng eligible population at 25% na senior citizens ang nakatanggap ng kanilang ikalawang booster shot.
Nakikita na rin daw nila ang linkage ng Omicron BA.5 subvariant kaya’t malaki ang tiyansa na sumirit ang mga naitatalang kaso gayundin ang bilang ng mga naoospital.