Isang panibagong COVID-19 variant ang mahigpit na binabantayan ng mga medical expert at siyentista sa buong mundo.
Nadiskubre sa Britanya ang bagong variant na ay 4.2 o Delta plus na mutation ng Delta variant, na dominant strain sa Britanya maging sa malaking bahagi ng mundo.
Ayon kay Francois Balloux, director ng University College London Genetics Institute, 10% mas nakahahawa ang ay 4.2 sa karaniwang Delta variant sa UK.
Batay anya sa kanilang isinagawang genetic sequencing, 6% ng bagong COVID cases sa naturang bansa ay nagmula sa Delta plus.
Gayunman, ikinukunsidera pa rin ang Delta plus bilang variant of concern o under investigation at kailangan pa rin ng malalim na pag-aaral. —sa panulat ni Drew Nacino