Isang panibagong COVID-19 variant ang nagdiskubre sa Israel.
Ayon sa Ministry of Health ng Israel, dalawang kaso ng bagong COVID-19 variant ang naitala.
Gayunman, nilinaw ng ahensya na hindi sila gaanong nababahala sa bagong strain na wala pang pangalan.
Ang naturang strain na pinagsamang dalawang sub-variants ng omicron ay natunton sa dalawang pasaherong dumating sa Ben Gurion International Airport.
Mild lamang ang sintomas na may kasamang pananakit ng ulo, kasu-kasuan ang dala ng bagong variant at hindi kailangan ng special medical response.