Maaaring makaranas ng panibagong wave ng COVID-19 ang Pilipinas, tulad ng nangyari sa Hong Kong, South Korea at Vietnam.
Ito, ayon kay Infectious Diseases Expert Dr. Rontgene Solante, kung saan tinukoy nito ang mga factor na posibleng magdulot ng pagsirit ng virus sa bansa.
Tinukoy nito ang Omicron BA.2 subvariant na dominant ngayon sa Hong Kong, South Korea at Pilipinas, pagbubukas ng bansa at pagluluwag ng ilang health protocols, at ang bumababang immunity ng bakuna laban sa COVID-19.
Kaugnay nito, iginiit ni Solante ang kahalagahan ng pagkakaroon ng booster shots upang mapataas ang proteksyon laban sa nakakahawang sakit.