Ipinagmalaki ng Malacañang ang panibagong credit rating upgrade na tinanggap ng Pilipinas.
Mula sa dating credit bbb negative ay naging bbb plus stable ang naging credit rating ng bansa mula sa Japan Credit Rating Agency o JCRA.
Ayon kay Communication Secretary Sonny Coloma, ito ay pagpapakita lamang na kinikilala ng JCRA ang commitment ng administrasyong Aquino sa ipianapatupad na fiscal management policy nito.
Naninindigan aniya ang Pangulo na makikinabang ang mga mamamayan sa pagsigla ng ekonomiya ng bansa.
Ang naturang credit rating ang ika-22 positive rating action na tinanggap ng Pilipinas sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.
By Rianne Briones | Aileen Taliping (Patrol 23)