Aarangkada na bukas ang panibagong dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo.
Ayon sa mga kumpanya ng langis, aabot sa 0.50¢- 0.70 ¢ ang rollback sa kada litro ng diesel, habang P1.00 – P1.20 naman ang tapyas sa kada litro ng kerosene.
Ngunit, magkakaroon ng 0.40¢ – 0. 60¢ na price hike sa kada litro ng gasolina.
Paliwanag ng mga industry player, nagmahal ang presyo ng gasolina sa pandaigdigang merkado, dahil sa matinding demand at kakaunting supply, habang kaunti naman ang demand, ngunit marami ang supply ng kerosene at diesel. – sa panunulat ni Charles Laureta