Magkakaroon na naman ng dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo ngayong linggo.
Sinasabing maglalaro sa .30 hanggang .40 ang magiging dagdag-presyo sa kada litro ng diesel at kerosene.
Ayon sa mga sources mula sa industriya, malaki rin ang posibilidad na mapako lang ang presyo o magkaroon ng maliit na rollback na .10 sa kada litro naman ng gasolina.
Inaasahang aarangkada ang paggalaw sa presyo ng petrolyo sa Martes, Enero 7.
Ayon naman sa Department of Energy (DOE), wala pang kompanya ng langis ang nag-abiso tungkol sa price hikes bunsod ng panibagong fuel excise tax ngayong 2020.
Nilinaw ng ahensya na bago maipatupad ito ay kailangang magpaskil ng karatula ang mga oil companies kaugnay ng mas mataas na buwis na ipapatong nila sa kanilang mga produkto.