Epektibo na simula Enero a–1 ang mas malaking buwis sa alak at sigarilyo.
Alinsunod sa Republic Act 11467 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Enero 2021, aabot na ang excise taxes ng sigarilyo sa P55 kada pakete ngayong 2022 kumpara sa P50 kada pakete noong nakaraang taon.
Magtataas din ang buwis sa Heated Tobacco Products sa P30 ngayong taon kumpara sa P27.50¢ noong 2021 at P47 kada milliliter ng Salt Nicotine products mula sa P42 kada ml noong 2021.
Para naman sa alcohol products, ang buwis para sa distilled spirits ay aabot na sa P52 kada proof liter at P39 kada litro para sa beer products.
Para sa wine products, ipatutupad ang P50 excise tax kada litro simula ngayong taon at magtataas pa ng 6% kada taon simula 2021.
Ang naturang dagdag-buwis ay ginagamit upang pondohan ang Universal Health Care. —sa panulat ni Drew Nacino