Asahan na ang panibagong big time increase sa presyo ng Liquefied Petroleum Gas o LPG, bukas, Oktubre 1.
Posibleng maglaro sa P4.90 pesos ang dagdag presyo sa kada kilo ng LPG o 53.90 pesos sa kada 11-kilo na tangke.
Ayon kay LPG Marketers Association Representative Arnel Ty, may kaugnayan ang pagsipa ng presyo ng LPG sa dalawang magkasunod na hurricane na nanalasa sa Estados Unidos.
Ito na ang ikatlong beses na magpapatupad ng dagdag presyo sa LPG ang mga oil company simula noong Agosto.
Kabilang sa magpapatupad ng increase ang Regasco na 4 pesos kada kilo o 44 pesos na dagdag sa kada tangke.
Samantala, nagbabadya muli ang price hike sa diesel at gasolina sa susunod na linggo.
—-