Nakaamba na naman ang panibagong pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo, bukas araw ng Martes.
Ayon sa mga source ng DWIZ sa industriya ng langis, tinatayang maglalaro sa P0.60 hanggang P0.70 sentimo ang taas presyo sa kada litro ng diesel, gasolina at kerosene.
Sa pagtaya naman ng Department of Energy, papalo sa 52 pesos hanggang 63 pesos ang presyo ng kada litro ng gasolina habang 41 pesos hanggang 52 pesos sa kada litro ng diesel.
Maglalaro naman anila sa 45 pesos hanggang 57 pesos ang presyo sa kada litro ng kerosene.
Ang panibagong oil price hike ay bunsod na rin ng pagmahal sa presyo ng mga imported na gasolina, diesel at kerosene sa pandaigdigang merkado.
—-