Inilarga na ng mga kumpanya ng langis ang panibagong price increase sa kanilang mga produkto.
Epektibo simula alas 12:00 kaninang hatinggabi nang ipatupad ng Chevron ang sitenta sentimos na dagdag presyo sa kada litro ng gasolina at diesel habang trenta’y singko sentimos sa kerosene.
Ipatutupad din ng Jetti, Petron, Flying V, Phoenix Petroleum, Eastern Petroleum, Total, Seaoil, Petro Gazz at Shell ang kahalintulad na increase mamayang ala 6:00 ng umaga.
Ito na ang ikalawang sunod na linggong sumirit ang presyo ng oil products bunsod ng price adjustment sa international market.