Nagbabadya na naman ang price increase sa mga produktong petrolyo, ngayong linggo.
Ayon sa mga source mula sa Department of Energy o DOE, maglalaro sa dalawampu (P0.20) hanggang tatlumpung sentimos (P0.30) ang dagdag presyo sa kada litro ng diesel.
Lima (P0.05) hanggang sampung sentimos (P0.10) sa gasolina habang limang sentimos (P0.05) o posibleng hindi gumalaw ang presyo ng kerosene o gaas.
Samantala, pinag-aaralan na ng mga kumpanya ng langis ang kautusan ng DOE na magbenta ng Euro-2 diesel sa mga public utility vehicle operator upang maibsan ang mataas na presyo ng krudo at makatulong sa kalikasan.
Gayunman, kinontra ito ni Independent Petroleum Players Association President Bong Suntay sa pagsasabing magiging magastos kung magbebenta ng Euro-2 diesel.
Kung ang intensyon aniya ay pababain ang presyo ng diesel ay makabubuting suspendihin na lamang ang excise tax sa diesel.
—-