Sinimulan ng ipatupad ng mga kumpanya ng langis ang panibagong dagdag-presyo sa kanilang mga produkto.
Buena manong inilarga ng Caltex epektibo 12:01 kaninang hatinggabi ang dagdag 40¢ sa kada litro ng gasolina, 35¢ sa diesel habang 15¢ sa kerosene.
Habang Alas-6 ngayong umaga aarangkada rin ang kahalintulad na price increase ng Flying V, Petron, PTT Philippines, Total, Phoenix Petroleum, Shell, Seaoil at Petrogazz.
Mamayang alas-4 naman sisimulang magpataw ng dagdag-presyo ang Cleanfuel.
Ito na ang ikatlong sunod na linggong nagpatupad ng price hike ang mga kumpanya ng langis. —sa panulat ni Drew Nacino