Pinaiimbestigahan ni House Deputy Minority Leader Carlos Zarate sa Kamara ang panibagong dagdag singil sa kuryente.
Ayon kay Zarate, dapat na kaagad maitakda ang pagdinig para mapigilan ang power rate increase at maprotektahan ang mga consumer sa mga pang aabuso ng power companies.
Pinaiimbestigahan ni Zarate ang pagtutulak ng NAPOCOR ng dagdag na singil sa missionary charges na resulta aniya ng kapabayaan ng Department of Energy, NAPOCOR at Energy Regulatory Commission sa mga pinapasok na power supply contracting process na ipinapasa sa pamamagitan ng dagdag singil sa mga consumer.