Naghain ng panibagong diplomatic protest ang Department of Foreign Affairs (DFA) laban sa Unilateral Fishing Ban ng Tsina sa pinag-aagawang West Philippine Sea.
Iginiit ng DFA na hindi kinikilala ng Pilipinas ang Fishing Moratorium mula May 1 hanggang August 16 dahil sakop nito ang katubigan kung saan may soberanya at hurisdiksyon ang bansa.
Binigyang-diin ng kagawaran na anumang Chinese Fishing Ban sa South China Sea na sakop ang Exclusive Economic Zone ng Pilipinas ay iligal.
Alinsunod ito sa napanalunang kaso ng bansa sa Permanent Court of Arbitration sa the Hague, Netherlands noong 2016.
Kinikilala rin sa nasabing desisyon ang tradisyunal at lehitimong karapatan ng mga Pilipino na mangisda sa nabanggit na lugar.