Sinampahan ng panibagong disbarment case ng isang abogado si Atty. Larry Gadon, ang pangunahing complainant sa impeachment case laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Sa walong pahinang reklamong inihain ni Atty. Wilfredo Garrido Jr, kanyang iginiit na dapat alisan ng lisensya si Gadon dahil sa mga kasinungalingan nito lalu na sa pagsasabing meron siyang personal knowledge sa impeachment complaint laban sa punong mahistrado.
Iginiit pa ni Garrido na lumabag si Gadon sa code of professional ethics at maituturing na kahihiyan sa legal profession ang aniya’y pagiging bastos at arogante nito sa pagdinig ng impeachment case.
Malinaw din aniyang isang uri ng panghaharass ang isinampang reklamo ni gadon laban kay Sereno.
Samantala, binalewala lamang ni Gadon ang panibagong disbarment case na isinampa laban sa kanya at sinabing nais lamang ni garrido na sumikat.