Isa pang disqualification case ang inihain sa Commission on Elections (COMELEC) laban kay Senador Grace Poe.
Sa pagkakataong ito, inihain ni dating Senador Francisco Kit Tatad ang panibagong disqualification case laban kay Poe dahil sa aniya’y paglabag nito sa Article 7, section ng konstitusyon kung saan nakasulat ang mga qualification ng mga tatakbo sa pagka-Pangulo.
Partikular na tinukoy ni Tatad ang aniya’y hindi masabi ni Poe kung siya ba ay natural born Filipino resident dahil isa siyang foundling na hindi alam kung sino ang kaniyang mga tunay na magulang.
Bukod dito, sinabi ni Tatad na bigo si Poe na masunod ang 10-year residency requirement na nakasaad sa Saligang Batas.
Ang dating Senador ay kinatawan ni Atty. Manuelito Luna na siyang abogado ni Rizalito David sa naunang disqualification na isinampa nito laban kay Poe.
By Judith Larino