Kinundena ng North Korea ang panibagong economic sanctions ng U.S. na layuning pilayan ang nuclear weapons development ng NoKor.
Ayon sa North Korean Foreign Ministry, indikasyon ito na nais ng Amerika na pigilan ang ikinakasang unification ng North at South Korea.
Iginiit ng naturang ahensya na dapat ng itigil ng Estados Unidos ang mala-kontrabidang polisiya sa NoKor.
Magugunitang pinatawan ng U.S Treasury ng sanctions ang siyam (9) na entities, labing-anim (16) na katao at 6 na North Korean ships na kanilang inakusahang tumutulong sa weapons development program.