Anim (6) na toneladang tilapia ang namatay sa panibagong fish kill incident sa bayan ng Lake Sebu sa South Cotabato.
Ayon kay Lake Warden Rudy Muyco, tinatayang limang daang libong piso (P500,000) ang halaga ng mga nasawing isda na nakaapekto sa dalawampu’t walong (28) fish cage operators.
Aniya, nawawalan ng oxygen ang tubig sa lawa dahil sa sunod-sunod na pag-ulan dahilan upang magkaroon ng fish kill.
Pupulungin naman ni Mayor Antonio Fungan ang mahigit limang daang (500) fish cage operators sa Lake Sebu upang mabatid kung paano maibsan ang epekto ng naturang insidente.
By Jelbert Perdez