Opisyal nang itinurn-over ng Malacañang sa Aliw Broadcasting Corporation officials ang kopya ng nilagdaang batas para sa panibagong franchise ng broadcasting company.
Sa isang simpleng seremonya sa tanggapan ni Presidential Communications Secretary Sonny Coloma sa New Executive Building, Malacañang ginawa ang pag-turn over ng nilagdaang batas.
Present sa turn over ceremony sina Aliw Broadcasting Corporation President/CEO Ms. Josephine Reyes, General Manager Mr. Randy Cabangon, DWIZ Station Manager Rey Langit and DWIZ News Director Mr. Alex Santos.
Ang bagong franchise na pinirmahan ni Pangulong Benigno Aquino III noong May 3 ay may bisa ng 25 taon.
Una nang nabigyan ng prangkisa ang Aliw Broadcasting Corporation-DWIZ noong panahon ni dating Pangulong Corazon Aquino at na-renew ito sa panahon naman ng panunungkulan ng kanyang anak na si PNoy.
By Aileen Taliping (Patrol 23)